Una sa Balita

Kontrabida kay Durant, kailangan namin – Popovich

By
0 3,346

TINAMBAKAN ng 21 ang kanyang San Antonio sa opener ng Western Confe­rence playoffs, pero nagawa pang magbiro ni Spurs coach Gregg Popo­vich sa postgame interview.

Pagkatapos ng 113-92 loss sa Golden State, inumpisahan ni Popovich ang press conference sa pagpuna ng Gatorade na nasa harap niya.

“Supposed to be here?” tanong ni Pop nang damputin ang ener­gy drink. “What if I don’t like this? There’s too much sugar and all that kind of stuff.”

Biglang bawi rin siya.

Nang ibato na ang u­nang tanong kung ano’ng nangyari, sagot agad ni Popovich: “What went wrong with us? They played better than we did.”

Sa isa pang yugto, sinabi ni Popovich na kailangang tumangkad ng 5 inches pa si Danny Green pagdating ng Game 2 sa Lunes para matapatan si Kevin Durant.

Nang mag-seryoso, sinuma ng coach ang nangyari sa kanila sa laro: “They had more grunt. They had more physica­lity … First quarter we looked liked deer in the headlights.”

Nabulaga ang Spurs sa 27 points ni Klay Thompson na 11-of-13 sa field para pangunahan ang atake ng Warriors. Si big man JaVale McGee ay may 15 points, four rebounds at two blocks. Pinaglaruan ni Draymond Green ang triple-double sa 12 points, 11 assists at eight rebounds.

Minanduhan ni ­Kevin Durant ang depensa ng Warriors bago nagsumite ng 24 points, eight ­rebounds at seven assists. (VE)