Una sa Balita

Kontrabando nakalusot pa rin sa Bilibid

0 272

Iba’t ibang uri ng kontrabando, kabilang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos magsagawa ng Oplan Galugad sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon nang madaling-araw.

Alas-singko nang madaling-araw nang magsagawa ng sorpresang operasyon sa pangunguna ni BuCor Director General Gerald Bantag sa loob ng Reception and Diagnostic Center ng NBP.

Sa isinagawang paggalugad, nakumpiska ang nasa P80,000 na cash, 1 cellphone, baraha, usb/cable wire, improvised deadly weapon at isang sachet ng hinihinalang shabu na nakuha sa isang kahon ng posporo.

Paliwanag ni Bantag, may nakakalusot pang kontranbando sa loob kahit pa mahigpit naman ang kanilang pagbabantay sa mga pumapasok at lumabas na dalaw o mga kawani ng BuCor.

Paiimbestigahan umano nito kung kanino ang mga nasabat na kontrabando sa naturang lugar. (­Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More