Una sa Balita

Kontra sa TRAIN, nililigaw ni Sec. Lopez

By
0 2,535

“Sumali tayo, ‘yung nangyayari ngayon na high growth at high stock exchange ay samantalahin po natin dahil ang magbe-benefit ho dito taumbayan, ‘yung magkakatrabaho sila, magkakanegosyo sila.”

Ito ang mabulaklak na mga pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez patungkol sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Nilinaw din ni Lopez na ang TRAIN ay pro-poor dahil ang makikinabang dito ay mga ­minimum wage earner na ngayon ay may ­extra income, at mas malaki na ang take home pay.

Sinabi ng kalihim na dapat samantalahin ang malakas na ekonomiya sa pamamagitan ng pagsali sa economic activity gaya ng negosyo o maghanap ng trabaho para umasenso.

Pinayuhan din ni Lopez ang mga kritiko ng TRAIN na huwag isarado ang isipan dahil may ginhawang hatid ito sa taumbayan.

Ilang beses na aniyang naipaliwanag ang buting makukuha sa TRAIN pero ayaw tanggapin ng mga kontra dito kaya tututok na lamang ang gobyerno sa information campaign para lubos na maintindihan ng publiko.

“‘Yung ganoon hong mga remarks ho kasi, I would say mga rhetoric siguro – ‘yung parati nilang sinasabi kahit walang basehan. Kung reasonable na tao tayo, maintindihan natin ‘yung mga benepisyo. Pero kung tayo ay nasa gilid lamang, bench heater, pa-comment-comment… kawawa ho tayo, maiiwan tayo sa… ano bang tawag do’n? Mahuhuli tayo sa pansitan,” ani Lopez. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy