Una sa Balita

Konstruksyon ng Torre de Manila tuloy

By
0 4

Tuloy na ang konstruksyon ng 41 palapag na Torre de Manila matapos alisin ng Supreme Court (SC) ang inisyung temporary restraining order kasunod ng 9-6 boto ng mga mahistrado.

Sa ginanap na SC En banc sa pamamagitan ng 9 kontra 6 boto, nanaig ang opinyon na isinulat ni Senior Associate Justice Antonio Carpio dahilan para ma-dismiss ang petition ng Knights of Rizal na inihain noong 2014 na ang layunin ay ipagiba ang Torre de Manila na unang binansagang ‘photo bomber’ dahil sinisira umano nito ang sightline ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park, na itinuturing na mahalagang landmark o istraktura sa bansa.

Sinabi ng SC na wala umanong batas na nagbabawal sa konstruksyon ng kontrobersiyal na Torre de Manila dahilan para tuluyang maibasura ang petisyon ng Knights of Rizal.

Abante Hiring – IT dep

Wala ring hurisdiksyon ang SC sa kaso at wala ring legal na perso­nalidad ang mga petitioner sa para maghabla.