Una sa Balita

Konsehal tinambangan ng tandem sa Zamboanga City

By
0 453

NASA malubhang kalaga­yan ang isang konsehal ng bayan ng Maluso sa lalawigan ng Basilan matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng kanyang SUV kamakalawa nang hapon sa Zamboanga City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Ciudad Medical Hospital ang biktimang si Maluso, Basilan Municipal Councilor Adzrie Ain Bud, 47, matapos magtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan mula sa kalibre .45 baril, samantala suwerte namang hindi tinamaan ang asawa nito, drayber at bodyguard na pawang nakasakay sa Toyota Fortuner.

Sa ulat na ipinadala ni Chief Insp. Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang pananambang dakong alas-5:30 nang hapon habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng national highway sakop ng Brgy. Upper Calarian, Zamboanga­ City.

Napag-alaman na lulan ang biktima kasama ang kanyang asawa, bodyguard at drayber na kanyang kulay gray na Toyota Fortuner patungo sana sa kanilang kaanak nang biglang sabayan ng isang kulay itim na XRM na motorsiklo lulan ang mga suspek at armado ng kalibre .45 baril at pinagbabaril ang una­hang bahagi ng sasak­yan kung saan nakaupo ang biktimang konsehal.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang konsehal habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Personal na alitan ang isa sa tinitignang motibo ng pulisya sa nasabing pananambang subalit patuloy ang kanilang imbestigasyon upang makasiguro at para sa posibleng ikadarakip ng mga suspek.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More