Una sa Balita

Konsehal, gf, 1 pa inambus

By
0 6

Tatlo katao, kabilang ang isang konsehal at nobya nito, ang nasawi nang tambangan ng ‘di pa nakikilalang gunmen kahapon ng umaga sa Murcia, Negros Occidental.

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga bala sa katawan ang biktimang sina Sangguniang Bayan member Eden Bacordo ng Salvador Benedicto, ang girlfriend nitong si Leah Mae Canoy at bodyguard na nakilala lamang sa alyas na ‘Anoy’.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, katatapos lamang kumain ng almusal ng mga biktima sa bahay ng pinsan ni Canoy, sa Sitio Lilo, Barangay Lopez Jaena, Murcia, nang lumabas si Bacordo at doon na ito pinaulanan ng tama ng punglo sa katawan ng hindi bababa sa apat na kalalakihan na armado ng mahahabang baril.

Abante Hiring – IT dep

Sa paglabas naman ni Canoy at bodyguard ng konsehal ay pinaputukan din ang mga ito dahilan ng kanilang kamatayan.

Sa imbestigasyon, pawang naka-bonnet ang mga suspek at lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na armado sila ng M16 at garand rifle.

Sa ngayon ay masu­sing iniimbestigahan ang krimen upang matukoy ang motibo ng pananam­bang at matukoy ang responsable sa krimen.