Una sa Balita

Konsehal dedbol sa Cagayan

By
0 558

DEAD on-the-spot ang isang konsehal matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang papauwi sa ba­yan ng Rizal, Cagayan noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Alvarez, 64-anyos, ng Barangay San Gabriel, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na report ng Rizal Philippine National Police (PNP), pauwi na umano ang biktima lulan sa kanyang sasakyan nang may tu­mabi na dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo at dito pinagbabaril ang biktima.

Nagtamo ito ng mga bala ng baril sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Sinabi ng Rizal-PNP na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kung ano ang tunay na motibo sa pagpaslang kay Alvarez.

Nagkaroon na rin ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek.