Una sa Balita

Kongreso ‘wag bigyan ng pondo — Panelo

0 615

KUNG ang Malacañang ang masusunod ay huwag na lang bigyan ng pondo ang Kongreso.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng patuloy na nakabinbing 2019 national budget dahil sa patuloy na iringan ng mga senador at kongresista.

Ayon kay Panelo, dapat mayroong isa na lamang departamento na mangangasiwa sa lahat ng proyekto sa buong bansa at ang magiging trabaho na lamang ng mga mambabatas ay sabihin kung saan dapat lagyan ng proyekto.

Sinabi ito ng kalihim dahil sa patuloy na girian ng mga mambabatas ay naho-hostage ang mga serbisyong dapat na matanggap ng mamamayan.

“Sometimes I’m thinking nga na dapat siguro wala nang pondo ang Kongreso. One time in a news briefing I said, there should be one department that should be responsible for all the projects all over the Philippines. Iyon lang ang trabaho nila, iikot sila para sabihin nila,” ani Panelo.

Kapag nangyari ito, sinabi ni Panelo na posibleng wala o iilan na lamang ang tatakbo sa ­Kongreso.

Hindi pa naisusumite kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang enrolled bill ng 2019 national budget dahil kinalikot umano ng liderato ng Kamara ang naipa­sang budget na inalmahan ng mga senador.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy