Una sa Balita

Kongreso naalarma sa binatilyong nasabugan ng vape sa bunganga Pag-recall sa produkto hinirit

By
0 671

Ikinabahala ng mga kongresista ang insidente ng pagsabog ng gamit na vape ng isang binatilyo.

Base sa ulat, nalagas ang ngipin, nasugatan ang mata at namusarga ang bibig ng 17-anyos na si Jeffrey Sardea matapos sumabog ang gamit nitong second hand na vape dahilan umano sa palyadong baterya.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang binatilyo.

Dahil sa pangyayari, kinalampag ni Assistant Majority Leader at 1-PACMAN Party-list Rep. Michael ‘Mikee’ Romero ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na kagyat na kumilos partikular na ang Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drug Administration (FDA).

“Considering the relevant public safety, public health, and consumer protection issues, I call on the DTI and FDA to immediately and jointly issue a product recall order cover the particular brand and model of the vape device used by ‘Jeffrey.’ While this incident may just be one now, there may be others that are unreported and could come to light now that news of this incident have become viral,” pahayag ni Rep. Romero.

Magsisilbing ‘preventive measure’ aniya ang recall order sa produkto.

“Whoever the product manufactu­rer, importer, and distributors are, I ask them to voluntarily withdraw their product now,” giit ni Rep. Romero.

Ayon naman kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, dapat magkaroon ng regulasyon na alisin ang mga sub-standard na produkto.

“Sa ngayon walang regulasyon,” ani Rep. Batocabe.

Pero binigyang-diin ng solon na may inihain na siyang panukalang batas na magrerenda sa paggamit, pagbebenta at distribusyon ng electronic smoking devices.

“May bill ako tungkol diyan. Dapat bilisan ang pagrepaso ng bill ko regula­ting vaping,” pagdiriin ni Rep. Batocabe.

Kasalukuyan pa ring nakabinbin sa House Committee on Trade and Industry ang House Bill (HB) No. 532 (An Act Regulating the packaging, use, sale, distribution, and advertisements of electronic smoking devices, amending for the purpose Republic Act No. 9211, otherwise known as the Tobacco Regulation Act of 2003, and for other purposes).

Nakapaloob sa naturang panukala ni Rep. Batocabe ang pagbalandra ng parusa kabilang na ang pagbabayad ng multa at pagkakabilanggo ng sinumang mapapatunayang magbebenta ng electronic smoking device sa mga menor-de-edad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More