Una sa Balita

Kongreso kumasa sa lusaw pork ni Ping

By
0 738

Kinasahan ng liderato ng Senado at Kamara ang panawagan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto o ibasura ang lahat ng pork barrel funds na nakasiksik sa panukalang P3.757 trilyong budget sa 2019.

“Kung nararapat, at kung talagang maliwanag na pork, bakit hindi? Dapat i-veto,” diin ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Umaabot sa P190 bil­yon ang pork ng mga senador sa 2019 budget pero nanindigan silang mga ‘institutional amendments’ ito.

“At this point, hindi namin talaga alam kung alin ang pork at hindi. Alam lang namin sa Senate, ano ‘yung mga institutional amendments,” dagdag ni Sotto.

Unang minungkahi ni Lacson sa Pangulo na i-veto ang pork sa 2019 national budget upang matigil na ang bangayan ng mga senador at kongresista dito.

Nakiusap na rin ang Pangulo sa Senado na aprubahan ang panukalang budget bago mag-adjourn ang kanilang sesyon sa Biyernes.

“Dahil pinakikiusap ng Malacañang ang budget, baka mag-extend nga kami until Friday,” ani Sotto.

Suportado rin ni House Committee on Appropriations Chairman at Camarines Sur Representative Rolando Andaya, Jr., ang panawagan sa pagbura ng pork sa 2019 budget pero nagbanta itong dadalhin ang isyu sa Supreme Court upang alamin ang magiging implikasyon nito.

Tadtad aniya ng mga katanungan ang 2019 budget at hindi pa rin ito mabigyan ng kasagutan o maipaliwanag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diok­no.

Kabilang sa mga isyu na hindi pa rin nabibigyan ng kasagutan­ni Diok­no, ayon kay Andaya ay ang P75 bilyong insertion sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), flood control scam, P81 mil­yong deposito sa Aremar Construction, maanomalyang bidding ng malalaking proyekto na ginawa ng DBM-Procurement Service, P50 bilyong nakatenggang pondo ng DBM-PS at Philippine International Trading Corporation (PITC) at ang multi bilyong savings noong 2017 at 2018 na nagsilbing pork barrel ng DBM.

“A veto message prepared by Secretary Diokno will surely perpetuate these unanswered issues, unfortunately with the President as unwitting victim. The House panel will elevate the veto message to the Supreme Court to clarify, not to defy, the veto message. We need to know the clear implications of the line items to be vetoed,” giit ni Andaya.

“Likewise, we will seek to intervene in the exemption being sought by the DBM from the Comelec on the infrastructure ban. We need to be informed what types of projects are to be e­xempted from the election ban and the sourcin­g of funds for these pro­jects,” ayon pa sa House leader.