Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kongreso iraratsada COVID bakuna indemnification law

0 96

POSIBLENG hindi na dumaan sa bicameral conference committee deli­beration ang pag-apruba sa panukalang nalalayong magkaroon ng vaccine indemnity fund at pabilisin ang pagbili ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chair ng Senate finance committee, maaring hindi magsagawa ng bicam ang Senado at Kongreso para sa Se­nate bill 2057 at House bill 8648 na parehong nagbibigay ng indemnification fund at para mapabilis na vaccine procurement.

“Posible rin ‘yong wala nang bicam sapagkat it’s a possibility na i-adopt na lang ‘yong isang version ng isang Kamara, mas mapapabilis ‘yong pagsasabatas nitong Senate bill 2057, ‘yong vaccination act,” pahayag ni Angara sa panayam sa DWIZ.

Pabor din si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi na magkaroon ng bicam lalo na halos magkapareho naman ang bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso hinggil sa naturang panukala.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hopefully, nag-usap din kami ni Con. [Junie] Cua [House committee on economic affairs and sponsor House bill 8648] ang proseso paano mapapabilis dahil kailangan talaga natin ito. Napakaraming proteksiyon ‘di lang sa national gov’t pati local para makabili na tayo bakuna,” ayon pa kay Zubiri.

“Maaaring mangyari ‘yan (appro­val) sa Lunes, maaaring sa Martes o sa Miyerkoles,” ani Angara.

Kung maipasa ang batas sa Pebrero 24, maaring maisama ang isang probisyon kung papayagan para sa retroactive application nito.

Sa ilalim ng Senate 2057, layunin nito na payagan ang Department of Health (DOH) at ang National Task Force Against COVID-19 (NTF) na magsagawa ng negotiated procurement ng COVID-19 vaccine kasama na ang storage, transport at distribution nito. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.