Una sa Balita

Kongresistang tumanggap sa STL pangalanan

By
0 2,351

Pinagsusumite ng House committee on good government and public accountability ang Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) ng listahan ng mga kongresista na naanggihan diumano ng kita mula sa Small Town Lottery (STL) ­operations.

Inatasan din ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng komite, ang PCSO na ipasa rin ang listahan kung sino-sino ang mga kongresista na tumangging tumanggap ng pondo na galing sa STL.

Ang STL ay isang uri ng sugal na dinisenyo para malusaw ang iligal na sugal na jueteng.

Sa ilalim ng batas, ang pitong porsiyento ng kita mula sa STL na galing sa isang partikular na distrito ay ilalaan sa mga proyekto ng nasabing lugar.

Nagpahayag naman agad si Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo na walang STL operations sa kanilang siyudad habang tutol din sa STL si Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal at nilinaw na wala siyang tinanggap na kahit singko sa ope­rasyon ng nasabing numbers game.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy