Una sa Balita

Koneksyon ng pamilya Garin sa NPA binubusisi ng PNP

0 583

MASUSING iniimbestigahan ngayon ng Police Regional Office (PRO) Region 6 ang ulat na may ugnayan ang pamilya Garin sa New People’s Army (NPA).

Ayon kay Police Chief Supt. John Bulalacao, bago pa siya maupong police director ng Wes­tern Visayas ay nakatanggap na siya ng impormas­yon sa pakikipag-ugna­yan ng pamilya Garin sa NPA at sa Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade.

Hindi umano niya ito kinumpirma dahil pinagdudahan niya ang impormasyon.
Natanggap umano niya ang hindi kumpirmadong ulat bago pa man nangyari ang kontrobersiya na pananakit ng mag-amang Iloilo Mayor Oscar Garin, Sr. at Representative Richard Garin sa isang pulis noong Disyembre 26, 2018 sa Guimbal town plaza.

Narinig pa umano ni PO3 Federico Macaya, Jr. si Rep. Garin habang siya ay binubugbog, ang salitang “Ano gusto mo ipapatay pa kita sa NPA?”
Kasunod noon ay nagsimula na namang makatanggap ng report si Bulalacao na nanati­ling may kaugnayan ang mga Garin sa komunis­tang rebelde.

Pinaalam na rin umano ni Bulalacao sa kanilang intelligence unit ang iba pang detalye sa pagkakaugnay ng pamil­ya Garin sa mga rebelde. (Juliet de Loza-Cudia)