Una sa Balita

Konek sa kakampi problema ni Nabor

0 242

Excited na si veteran setter Jasmine Nabor na makapaglaro para sa Chery Tiggo Crossovers, dating Foton Tornadoes, sa darating na Philippine SuperLiga ngayong taon.

“Sa totoo lang po, sobrang nae-excite talaga ako kasi siyempre bagong team, tapos ‘yung mga makakasama mo pa,” saad ni Nabor.

“Siguro ‘yung paghahandaan ko na lang ngayon kung paano ko makukuha ‘yung connection ko sa iba’t ibang spikers, lalo na si Ate Mylene [Paat] and si Eya [Laure] lang ‘yung naging teammates ko.”

Bukod kay Nabor, ilan pa sa mga bagong player na magpapalakas sa Chery Tiggo ay sina Mylene Paat, Jannine Navarro, Rachel Austero, Joy Dacoron at Ria Duremdes.

“So kailangan ko talaga paghandaan kung paano makukuha agad ‘yung connection namin,” giit pa ni Nabor.

Hindi na rin makapaghintay ang beteranong setter, naglaro para sa PLDT Home Fibr Hitters, sa ipapakitang gilas ng Chery Tiggo.

“Masasabi ko lang ngayon, sobrang kaabang-abang ‘yung team namin ngayon. Tapos every game may ibubuga talaga kami, lalo na puro bago kami ganu’n,” wika ni Nabor. (JAToralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More