Una sa Balita

Komunistang party-list ‘wag iboto! – Palasyo

By
0 926

ISA sa mga paraan para madurog ang kilusang komunista ay huwag iboto ang mga party-list na ­kilalang legal fronts o supporter ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa darating na eleksyon.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary ­Martin Andanar kasunod ng direktiba ni Pangulong ­Rodrigo Duterte na wasakin ang mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Andanar, malinaw ang utos ng Presidente na kasama sa dapat wasakin ay ang legal fronts at infrastructure ng kilusang komunista.

“Mangangampanya po ‘yung mga kalaban natin sa 2019, may mga party-list sila ‘di ba? Eh ‘di ibig sabihin huwag nating iboto ang mga ito,” ani Andanar.

Batid naman ng publiko aniya ang lantarang pagkontra ng mga party-list na kapanalig ng CPP sa gobyerno kaya dapat huwag nang bigyan ng pagkakataon na makaupo pa ang mga ito sa susunod na eleksyon.

Sinabi pa ni Andanar na maging ang mga non-government organization (NGO) na nangangalap ng mga miyembro sa mga opisina ay kasama sa mga dudurugin ng gobyerno.

“Lahat po ng mga fronts – be that the armed front, the military front ng NPA kahit na ‘yung mga kanilang legal front na mga party-list, mga NGO, kasama po ‘yung mga pumupunta sa ating mga workplaces para mangalap ng miyembro – lahat po, lahat iyon, wala hong excuse dito,” dagdag pa ni Andanar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy