Una sa Balita

Komunikasyon at diplomasya

0 378

Parang kailan lang nang itatag ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang Office of the Global Media Affairs, at ngayon ay isang taon na ito nga­yong Nobyembre.

Layon nito na matugunan ang mga concern ng foreign journalists at maging daan para magkaroon ng access sa mga polisiya ng Duterte administration.

Ang Office of the Global Media Affairs ay ngayo’y mas pinalawak pa natin sa bagong Office of the Global Media and Public Affairs. Ito ang tumutugon sa iba’t ibang isyu at mga pagtatanong ng fo­reign journalists na may kinalaman sa gobyerno at sa buong bansa, pati na sa mga kritisismo laban kay Pangulong Rod­rigo Duterte ng ilang international groups, at nag-uugnay sa ating mga government policymaker at mga media.

Sa loob lamang ng isang taon ay malaki na ang nagawa ng ugnayang ito hindi lamang sa international media kundi pati na rin sa diplomatic community.

Nito lamang nakalipas na linggo ay nakipagpulong tayo kina Korean Ambassador to the Phi­lippines Hang Dong-man at U.S. Embassy to the Philippines Press Attaché Heather Fabrikant at Deputy Press Attaché Jonathan Rose kung saan tinalakay namin kung paano mapapanatili ang mga pagbabago at pagsulong ng bansa sa pamamagitan ng mas pinaigting na kooperas­yon sa aspeto ng media at communications.

Nasentro ang pulong namin ni Ambassador Han Dong-man tungkol sa magiging partisipasyon ng Pilipinas sa nalalapit na ASEAN-Republic of Korea Summit na gaganapin sa Busan ngayong buwan.

Mahalaga itong mga diplomatic engagement na ito para maisulong natin ang pagkakaroon ng media cooperation at unahin ang kapakanan ng state media workers.

Isang halimbawa ng bunga ng magandang relasyon natin sa diplomatic community ang ‘Radio Rehab’ kung saan mabibigyan ng mga bagong kagamitan ang ilang AM at FM stations ng Philippine Broadcasting Service. Salamat sa tulong na rin ng Chinese Embassy.

Isipin mo, ilang dekada na ang mga radio station na ito pero ngayon lang nakatikim ng rehabilitasyon at bagong gamit.

Ngayong taon, ilang memorandum of agreements at memorandum of understanding ang nilagdaan sa pagitan ng PCOO at counterparts nito sa iba’t ibang mga bansa gaya ng China, Thailand, Myanmar at iba pa na inaasahang lalong magpapasigla sa ating ugnayan at mapapakinabangan din ng mga government media natin.

Komunikasyon…

(Mula sa pahina 4)

Ako mismo, hangad ko sa bawat kasunduang pinapasok ng PCOO ay ang pagpapalawak ng karanasan at kaalaman ng mga kasamahan natin sa government media workers, at pagsasaayos ng mga pasilidad nila.

Katunayan, ilang state media workers na rin ang benepisyaryo ng mga exchange programs na resulta ng ugnayan ng PCOO sa mga counterpart namin sa ibang bansa.

Sa administrasyong Duterte lamang nagkaroon ng ganitong konsepto kaya nabuksan ang mas lalo pang magandang ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa mundo sa pamamagitan ng mga istratehiyang akma sa international community.

Mahalaga ang magandang ugnayan ng Office for Global Media Affairs hindi lamang sa foreign journalists kundi sa diplomatic community dahil ito ang susi para mas mabilis ang ugnayan lalo na sa mga isyung dapat linawin.

Hindi naman po kaila na sa kabila ng magandang performance ng Duterte administration at mataas na markang nakukuha sa mga survey ay pilit pa ring sinisira ito ng mga kritiko na hindi masaya sa magandang ginagawa ng gobyerno .

Pero hindi po titigil at hindi patitinag ang aming tanggapan sa mga ganitong pag-atake ng mga kritiko dahil tungkulin nating iparating at ipakita sa buong mundo na ang Pilipinas at ang Duterte administration ay seryoso sa mga ipinatutupad na pagbabago at nagsisilbi para sa mga Pilipino.

Inaasahang magtutuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng PCOO sa diplomatic community at sa mga dayuhang mamamahayag para maihatid ang tunay na mga pangyayari sa atin bansa , pati na ang mga pagbabagong isinusulong ng Duterte administration.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy