Una sa Balita

Kompanya magdo-donate ng P2.4B pang-suweldo sa mga health worker

0 412

Handa ang isang construction company na mag-donate ng P2.4 bilyon upang pang-suweldo sa mga volunteer health worker at pambili ng kanilang Personal Protective Equipment (PPE).

Sa isang statement, sinabi ni Jesusito B. Legaspi Jr., president ng Jbros Construction Corp., mayroon silang P3.5 B na nakadeposito sa Landbank of the Philippines bilang advance payment ng Department of Health sa napanalunan nilang kontrata noong 2016 para sa construction ng 3,200 Barangay Health Station (BHS) sa buong kapuluan.

Ang nasabing proyekto ay pinatigil ng DOH sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon at inipit ang paglalabas ng perang nakadeposito sa Landbank.

Ayon kay Legaspi, handa silang ipagamit sa DOH ang mga pinagawa nilang 570 BHS kahit na hindi pa sila ganap na nababayaran dito.

Nakiusap din sila sa DOH na mag-isyu ng waiver upang mailabas ang P2.4 bilyon na “uncontested portion” ng letter of credit para pang-suweldo sa mga volunteer doctor at pambili ng kanilang PPE.

“These BHS units could be used as COVID-19 Response Centers where testing or quarantine efforts will be conducted. These COVID-19 Response Centers are situated in strategic locations throughout the country,” ayon pa kay Legaspi

“The additional fund of P2.4 Billion can be used for appropriate compensation of our volunteer health workers and purchase more protective gears such as PPEs.”dagdag pa niya.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More