Una sa Balita

Kompanya, contractor na pasaway sa kalsada pagmultahin – Atienza

By
0 715

MINUNGKAHI ni House Senior Deputy Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na pagbayarin kada oras na multa ang lahat ng mga public work contractor na nagbubutas at nagkukumpuni ng mga kalsada pero burara naman at iniiwang nakatiwangwang ang mga hinuhukay.

Naniniwala ang kongresista na sa ganitong paraan ay mapapabilis ang pag-aayos ng mga kalsada at mababawasan ang mabigat na trapiko dulot ng kaliwa’t kanang paghuhukay sa mga lansangan na nakakaabala sa takbo ng ekonomiya.

Tinatayang aabot aniya sa halos dalawang milyon ang ginagawang paghuhukay sa mga daan sa buong bansa taon-taon at kabilang sa mga ito ay pakana ng mga pribadong kompanya na nagsu-supply ng tubig, gas at kuryente.

“Road excavation permit applicants should be billed rising hourly fees so they will be forced to complete their work without delay. They should also be required to pay additional charges if they choose to do their work on weekdays, instead of weekends,” ayon kay Atienza.