Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Komonti ang hayop sa zoo

0 83

Pumunta daw ako sa Manila zoo sa panaginip ko, pero nung pagpasok ko e di ko nakita ‘yung mga hayop na dati naman ay nandun. Parang ang tahimik din ng zoo tapos konti ang tao kahit na nung dati akong nakapunta dito marami talagang taong napunta. Nung naglakad-lakad pa ako nakapasok naman ako sa isang malaking aquarium pero wala namang ganun sa Manila zoo kaya nagtataka rin ako. Ano kayang ibig sabihin nito? Salamat

Mika

Kapag nakapanaginip ka ng zoo ito ay may koneksyon sa kalayaan mo sa totoong buhay. Nirerepresenta rin nito ang mga tao na hindi nagbibigay ng credit sa mga effort mo at sa mga emosyon mo na tila nakakulong na sa iyo dahil hindi mo mailabas.

Sinisimbolo nito na pakiramdam mo ay nakahawla ka at hindi mo nakikita kung ano ang nasa harap mo ngayon, ibig sabihin ay kahit may problema o biyaya ngayon sa iyong harapan, hindi mo ito nakikita dahil namamanhid ka na dulot ng mga past experience mo kung saan dumaan ka sa mga sakripisyo. Marahil ay nag-aalala ka rin kung makukuha mo ang tagumpay dahil sa maraming harang na nararanasan ngayon.

Sina-suggest din ng panaginip mo na ngayon ang tamang panahon para resolbahin ang anumang problema sa iyong relasyon sa nobyo/nobya mo o kaya ay sa iyong pamilya at maging sa sarili.

May kahulugan din ang mga hayop na nakita mo, kung nakakita ka ng unggoy sa zoo nangangahulugan ito na kailangan mo ng pahinga. Kung leon naman, ibig sabihin nito ay ngayon ang panahon para mag-relax dahil mahaba ang peace time na mararanasan mo. Kapag ahas naman ang nakita mo sa pagpunta mo sa zoo, sinasabi nito na kayang-kaya mong mag-adapt sa anumang sitwasyon, at ambisyoso ka man pero hindi ka sakim.

Dahil nakita mo rin sa iyong panaginip na napunta ka sa isang aquarium, sinasabi nito na kailangan mong mag-reflect sa mga sarili mong aksyon, at gawing kalmado ang iyong sarili upang makamit din ang kapayapaan na gusto mo.

Sa huli, pwedeng sign ang panaginip mong ito na kahit may dumating na hamon ngayon, kayang-kaya mo na itong lagpasan.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.