Una sa Balita

Komendyanteng si Kuhol kulong sa pangmomolestiya sa inaanak

By
0 1,113

Hinuli ang aktor at komedyanteng si ‘Kuhol’, Philip Supnet sa totoong buhay, matapos na ireklamo ng umano’y pangmomolestiya sa isang inaanak nito na menor-de-edad sa Quezon City.

Inireklamo si Kuhol ng kanyang kumpare dahil hinalikan umano nito ang 10-anyos na anak na babae na ina­anak pa man din ng komedyante.

Personal na pinuntahan ni Quezon City Police District director Guillermo Eleazar si Kuhol sa detention cell ng QCPD Station 5.

Ayon sa report, nangyari umano ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa North Fairview, QC noong Abril 12.
Pumunta umano ang batang biktima sa tindahan ng ninong niyang si Kuhol para magpa-load.

Inamin naman ng komedyante ang ginawa sa inaanak. Nanghingi raw ng pera ang batang inaanak at binigyan niya ng P10. Tumawad daw ang bata ng bente pesos kaya inabutan niya ito ng sampung pisong dagdag sabay halik.

Dagdag pa nito na hindi niya sinasadyang mahalikan ang bata sa labi dahil sa pisngi lang niya dapat iki-kiss ang ina­anak.

Nagulantang ang bata at agad na nagsumbong sa tatay na mabilis din nagreklamo sa barangay.

Desidido ang pamil­ya ng bata na magsampa ng reklamo laban sa komedyante na dating kagawad ng Brgy. North Fairview.
Ayon kay Guillermo, bailable ang kaso pero kung mapatunayan, makukulong daw ang komendyante na si Kuhol.