Una sa Balita

Komedyanteng si Kevin Hart kinikilan sa video

0 1,429

Arestado ang isang lalaki nang ki­kilan ng pera si Kevin Hart, 38-anyos, isang standup comic na naging aktor, na diumano’y pasikretong kinuhanan ng video sa Las Vegas na may kasamang babae ang komedyante.

Kinasuhan ng Los Angeles County prosecutors ang 41-anyos na si Jonathan Jackson, ng extortion at extortion by threatening letter.

Napag-alaman ng prosecutor na si Jackson ay nanghihingi nang hindi ma­lamang halaga at tinangkang ibenta ang video sa mga celebrity news website.

Ayon naman sa abogado ng akusado, may asawa at walang criminal history si Jackson, at pinagpapiyansa ng hukuman ng $35,000, at pinanabalik sa katapusan para sa arraignment.

Humingi naman ng paumanhin sa Instagram si Hart sa kanyang asawa’t anak dahil sa mga naging usapin sa video na tinawag niyang “bad error in judgment.”