Una sa Balita

Komedyanteng si Chad Kinis nahulog sa stage sa Cebu

0 356

Viral na ang video na kung saan ay kitang-kita si Chad Kinis na nahulog sa entablado sa isang event sa Cebu.

“Thank you so much Tuburan, Cebu! Kahit nahulog ako sa stage masaya pa din ang kinalabasan!” sabi ni Chad sa video na kitang-kita nga na nahulog talaga siya.

“Epic fail na entrance ko sa show sa Cebu! Watch the full vlog sa YouTube channel ko,” kasunod na chika niya.

May mga nagtanong kung nabalian ba siya ng buto. Hindi na kasi nakita ng iba kung ano ang mga susunod na eksena.

Pero may isang video na pagkahulog niya sa stage ay agad din siyang umakyat, at tila itinuloy pa rin ang performance niya.

“Ok naman po ako konting sugat lang!” sabi ni Chad.

Anyway, mukhang pina-nindigan ni Chad ang pagi-ging malapit niya kay James Reid, ha! Remember, may isang event din na nahulog si James sa stage habang nagpi-perform, at kahit nahulog siya, ti-nuloy pa rin niya ang pagkanta. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy