Una sa Balita

Komedyanteng si Bentong pumanaw na

By
0 1,268

Marami ang nagulat sa biglang pagpanaw ng komed­yanteng na si Domingo Vusotros Brotamante Jr. o mas kilala bilang si Bentong.

Ayon sa report, pumanaw ang 55-year-old na si Bentong sa Fairview General Hospital nitong February 9 dahil sa ilang kumplikasyon dulot ng kanyang sakit na diabetes.

Pinanganak sa Tabaco, Albay si Bentong at apat ang anak nito sa kanyang misis na si Cecille Bernal.

Nadiskubre si Bentong ng ABS-CBN director na si Johnny Manahan “Mr. M” Manahan sa set ng sitcom na Home Along Da Riles kunsaan umeekstra ito at parte ito ng production staff ng show. Dahil natuwa si Mr. M sa timing sa pagpapatawa ni Bentong, sinalang siya sa ilang mga eksena ng sitcom hanggang maging re­gular talent na siya ng Dos.

Sinama si Bentong sa mga show na Tarajing Pot-pot, Arriba-Arriba, Bora: Sons of The Beach, Aalog-Alog, Star Magic­ Presents, Toda Max at Luv U.

Sa big screen naman ay unang napanood si Bentong sa pelikulang Oo Na… Mahal Na Kung Mahal in 1999. Nasundan ito ng Pera O Bayong (Not Da TV), Baliktaran: Ace at Daisy, Ikaw Lamang Hanggang Nga­yon, Jologs, One Night Only, The Adventures of Pureza: Queen of the Riles at Shake, Rattle & Roll XV.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy