Una sa Balita

Komedyante may amnesia sa pinanggalingan

0 364

PINAGKUWENTUHAN sa isang malaking umpukan ang isang komedyanteng kinasihan ng kapalaran para makilala. Bakit kaya maraming nagkokomentong walang utang na loob ang komedyanteng ito?

May mga natutuwa sa kanyang tagumpay pero mas marami ang nagkokomentong hindi rin siya magtatagal dahil hindi siya marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan.

Kuwento ng isang source, “Kahit ang mga kababayan at kamag-anak niya, naninibago sa ugali ni ____ (pangalan ng komedyante na ang screen name ay Pinoy na Pinoy ang dating).

“‘Yun ang mahirap kapag may naaalala ang mga tao sa nakaraan, e. Dati kasing walang-wala ang komedyante, sinuwerte lang siyang makatuwaan ng isang TV host, ‘yun ang naging susi sa kung ano siya ngayon.

“Kaso, mukhang maagang pumasok sa ulo niya ang success, malaki agad ang ipinagbago niya, kaya may mga nasasabi ang mga taong nakakakilala kung saan siya nanggaling!” komento ng aming impormante.

Kahit ang male personality na napakalaki ng nagawa para sa kung anuman siya ngayon ay ni hindi naaalala ng komedyante.

Patuloy ng aming source, “Naku, puro lang naman siya kuda! Kesyo humahanap pa raw siya ng tamang tiyempo para puntahan ang taong milagro ang ginawa sa buhay niya!

“Ano pa ba naman ang hinihintay niyang tiyempo, e, alam niya naman kung saan makikita ang taong ‘yun? Lilipat pa ba siya ng bakuran, e, pareho namang network ang pinagseserbisyuhan nila?

“Mahilig kasi siyang makinig sa mga bulong, sa mga sulsol, wala siyang sariling isip at desisyon! Tama bang basta na lang niya talikuran ang taong ‘yun, siguradong naglulupa pa rin siya hanggang ngayon kung wala ang napakalaking tulong sa kanya ng taong ‘yun?

“Naku, huwag siyang nagpapabulong, mag-isip siya! Hindi siya magtatagal sa mga ambisyon niya kung wala siyang utang na loob!” madiing pagtatapos ng aming source.

Werpa ni Digong wa epek para makatapak si Binoe sa US

KAAALIS lang nina Mariel Rodriguez at Isabella, sa Amerika rin ipanganganak ng TV host ang pangalawa nilang anak ni Robin Padilla na si Gabriela.

Ilang buwang mawawala si Mariel, malaking sakripisyo ‘yun sa kanilang relasyon ni Robin, hanggang sa malayuang komunikasyon na naman sila ngayon.

Nakalulungkot lang na napakalapit ni Robin kay Pangulong Rodrigo Duterte pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabibigyan ng US visa.

Isa pa nga kami sa mga hiningan ng tulong ni Robin at ng kanyang abogado para patunayan na pupunta lang siya sa Amerika para dalawin ang kanyang mag-ina nu’n pero babalik din agad siya dahil nandito ang kanyang trabaho.

Ilan kaming nagbigay ng sinumpaang-salaysay na nandito ang nature of job ni Robin, na babalik din siya agad-agad, pero nang magsadya siya sa US Embassy ay hindi pa rin siya nakakuha ng visa.

Mukhang napakalalim ng dahilan kung bakit dahil pati si PRRD ay nagpatunay na sa kanyang hangarin pero naging maramot pa rin ang embahada ng Amerika para payagan siyang makatapak sa bansang ‘yun.

Sa isang panahong kailangang-kailangan siya ni Mariel ay siya pa ang wala. Kahit sa mga pelikulang Pinoy ay palaging ipinakikita ang eksena na habang nanganganak ang babae ay nandu’n naman sa may pintuan ng delivery room ang magiging tatay na palakad-lakad at hindi alam ang gagawin sa sobrang excitement.

Hindi rin naman puwedeng kung kailan na lang iiri si Mariel ay saka ito pupunta sa Amerika, hindi rin puwedeng pagkapanganak ay umuwi na agad ang TV host, dahil hindi puwedeng ibiyahe ang kanilang sanggol.

Nakakalungkot na sitwasyon pero kailangan nilang tanggapin ang napakalayong distansiya. Ang mahalaga ay buo ang kanilang pagmamahalan sa malayuan at malapitan man.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy