Una sa Balita

Komedyante look-alike ng gov’t official

0 505

SINO raw itong komedyante ang naging kamukha ng matandang opis­yal ng gobyerno matapos dumalo sa grand ball ng isang television network?

Naging viral daw kasi sa social media ang kasuotan ng komedyante dahil kamukha ito ng sinusuot ng kontrobersyal na opis­yal ng gobyerno.

Makulay raw kasi ang suot nitong amerikana, may sumbrero at eyeglass pa.
Sundot pa ng mga miron, saan daw ang press conference ng komedyante.

Sinadya man o hindi, nagmukha siyang look-alike ng kontrobersyal na opisyal ng gobyerno na mahilig sa makukulay na panamit na tila bumabalik noong dekada 70 at 80.

Siyempre, tiyak na proud itong government official kung malaman niyang may gumagaya sa kanya pero ano naman kaya ang reaksyon ng komed­yante?

Pintahan niyo na. Ang komedyanteng naging look-alike ng isang opisyal ng gobyerno ay laging napapanood sa telebisyon at may letrang N sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy