Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Komedyante/frontliner Kim Idol pumanaw na

0 1,073

Mas lalong naging malungkot ang mga komedyante sa pagpanaw ng isa sa mga kasamahan nila, si Kim Idol. Kamakailan nga ay naospital si Kim dahil naputukan diumano ng ugat sa utak, ulo.

At makalipas lang ang ilang araw, tuluyan na nga siyang binawian ng buhay.

Si Kim ay nagsilbing frontliner muna matapos mawalan ng trabaho bilang sing along master sa mga comedy bar ni Alan K, dahil na rin sa pandemya.

Si Kim ay malapit na kaibigan ni Ate Gay.

“Akala ko ba gusto mo pang bumalik d2… I feel sad. Rest in Peace my friend Michael “Kim Idol” Argente we know you are in a better place and one day we shall meet again… My condolence Melissa Taniegra Argente and family,” mababasa Facebook wall ni Ate Gay.

Base naman sa FB post ni Lito Alejandria, isa sa mga may-ari ng Klownz, Zirkoh, sinaluduhan ng mga sundalo, doktor, nurses si Kim nitong Linggo.

“Sobrang proud ako sa yo Kim Idol.

“Kahapon ay binigyan ng saludo ng mga sundalo, doctors, nurses, at mga frontliners ng bureau of quarantine kasama ng mga opisyal nito si Michael Argente a.k.a. Kim Idol bilang pagpapugay sa 4 na buwan nyang paglilingkod at pagpapasaya sa mga covid-19 patients.

“Ang daming nagmamahal sa yo Kim,” sabi pa ni Lito.

Rest in Peace, Kim… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.