Una sa Balita

Kolorum na Uber lumobo sa 50,000 units

By
0 131

Sinampahan ng kasong kriminal ng iba’t ibang transport group ang ride sharing app na Uber Systems Inc. sa Quezon City Prosecutors Office nitong umaga ng Miyerkules.

Ayon kay Atty. Vigor Mendoza, chairman ng Kilusang Pagbabago sa Industriya ng Transportasyon, ang kaso sa Uber ay patungkol sa pagpapahintulot nito sa operasyon ng mga kolorum na sasakyan sa ilalim ng kanilang sistema.

Kasama sa complainant ang lider ng mga concerned transport groups sa pangunguna nina Obet Martin, Zeny Maranan at mga kinatawan mula sa sektor ng taxi at UV express.

Kinasuhan ng grupo ang mga board members ng Uber kabilang si Rob Van der Woude, Jaqueline Laurel, Ma. Elena Hernandez- Cueva, Manuel Cosico, Charlotte Ferraren Aguba-Goco, Karen Sammis Walker at sina Joseph Raville at Jennel Flores.

Sinabi ni Mendoza na base sa kanilang impormasyon, nasa 50,000 miyembro ng Uber ay mga kolorum.

Pambihira aniya ito dahil ito ay galing sa isang kompanya lamang at mas marami pa sa bilang ng mga kolorum na jeep at UV express.

Pangamba ng grupo ni Mendoza, baka ma-enganyo ang mga namamasada na maging kolorum na lang dahil pinapayagan naman ng mga transport network company (TNC).

Isiniwalat din ni Mendoza na base sa record ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Uber ay isang Information technology company pero nasa sektor ng transportasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy