Una sa Balita

Kolorum flights sumisingit sa NAIA

By
0 3

Hindi lang mga jeepney, bus at taxi ang sangkot sa kolorum ope­rations sa bansa kundi kahit na ang mga commercial airplanes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nangongolorum din sa pamamagitan ng pagsi­ngit ng pagbiyahe sa araw kahit na ang kanilang “assigned slots” ay sa gabi.

“May nakita tayo, parang kolorum na biyahe sa mga eroplano, na may flight schedule sa gabi pero sumisingit sa araw,” anang NAIA General Manager Ed Monreal.

Ibinunyag ni Monreal na ang mga air carrier na ito ay nakakapaglipad sa araw na naka dagdag pa ng air traffic sa NAIA at nasisira ang air traffic schedule na ginawa ng Slot Australia, ang kumpanya na gumagawa ng schedule ng lahat ng domestic airlines sa bansa.

“If we can’t control the distribution of aircraft, there would be disruptions in the schedule “bumubuntis,” dagdag pa ni Monreal.

Sinabi pa ni Monreal na nakipagpulong na ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at sa Civil Aeronautics Board (CAB) upang masolusyunan ang air traffic congestion sa paliparan.

“To further decongest the airport, the Department of Transportation (DOTr) is reques­ting emergency powers so that even general aviation (GenAv) airplanes would be compelled to leave the NAIA for Sangley Point,” saad pa ng airport chief.