Una sa Balita

Koleksyon sa TRAIN Law ng BIR, BOC bagsak

0 451

ISASAILALIM sa audit ng ­Bureau of Internal Revenue (BIR) ang porsiyentong ibinabayad na ­buwis para makatiyak kung ang mataas na value added tax (VAT) exemption sa maliliit na negosyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay hindi naaabuso.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar R. Dulay, ito umano ang prayoridad niyang programa ngayong taon.

Sa ilalim ng inisyung memorandum circular noong Enero 9, ayon sa preliminary data ng Department of Finance (DOF), luma­labas na ang BIR at ­Bureau of Customs (BOC) ay may shortfall sa kanilang koleksyon sa 12 porsiyentong VAT sa unang ­siyam na buwan noong 2018.

Ayon kay Dulay, imo-monitor nila ang mga piling taxpayer kung tumutugon sa TRAIN Law.

Sa pamamagitan ng pre-audit ng percentage tax payments ng mga taxpayer, makikita ang pagpapalit ng registration mula VAT patungo sa non-VAT at bilang resulta, tataas ang tax-exempt threshold.

Matatandaang itinaas ng TRAIN Law ang exemption threshold para sa small and medium enterprises (SMEs) sa P3 milyon mula sa P1.9 milyon.

Ayon sa DOF, ang mga nagbabayad ng VAT noon ay nag-shift na sa pagbabayad ng percentage tax, pero ang koleksyon ay mas mababa kesa sa nakaprograma.

Sa data ng DOF, lumalabas na ang incremental VAT mula sa TRAIN Law na kinolekta ng BIR at BOC mula Enero hanggang Setyembre 2018 ay umabot lamang ng P3.6 bilyon na napaka­baba kumpara sa P24.8B target.

Habang ang karagdagang VAT ng BIR ay nakakolekta lamang ng P2.5B kumpara sa target na P12.4 bilyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy