Una sa Balita

Koleksyon ni Rufa Mae kasinghalaga ng bahay sa Forbes Park

0 518

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNalantad ang milyon-milyong halaga ng mga designer bag, aksesorya at mga alahas ni Rufa Mae Quinto sa mga pinoste niyang mga item sa Instagram, na ayon sa kanya ay collection niya.

Kilala si Rufa Mae bilang isa sa mga artistang mahilig sa mga designer bag at jewelry, pero nalula ang mga netizen sa rami ng mga luxury item niya na nakatambak lang sa loob ng kanyang bahay, at marami sa mga ito ay minsan lang nyang nagamit.

Rare rin ang ilang piraso ng mga diamond na ipinasilip ng komedyana sa kanyang social media page. Sa halaga ng mga mamahaling personal stuff ni Rufa Mae, puwede na siyang bumili ng bahay sa Forbes Park.

Anyway, hindi na mapapakinabangan ni Rufa Mae ang mga bag, jewelry na nakaposte sa kanyang IG dahil ibi-nibenta na ito ng aktres.

Nagsawa na ang komedyana sa mga ito at sinabing nais na lang niyang mag-focus sa kanyang pagiging ina, asawa at sa karera. Hindi rin naman niya nagagamit ang mga ito kaya binawasan na niya.

Wala pang detalye, pero may pinaplanong negosyo ang aktres na nais nyang pasukin.

Reklamo ni Yeng tinugunan ng politiko sa Siargao

Tumugon na ang pamunuan ng Siargao sa himutok at panawagan ni Yeng Constantino na sana ay magkaroon sila ng mas efficient, reliable emergency assistance at facilities. Ito nga ay dahil sa nangyaring aksidente ng asawa niyang si Yan habang nagbabakasyon sila sa Siargao.

Masama ang naging bagsak ng asawa nung mag-dive ito sa dagat, dahilan para sumakit ang ulo at leeg nito at pansamantalang nagkaroon ng memory loss.

Pinuna ni Yeng ang kakulangan ng mga medical personnel assistance at ang kakulangan ng mga gamit sa dalawang ospital na pinagdalhan sa asawa.

Pinoste nya ito sa Instagram na nakatawag pansin ng mga Siargao official, partikular na ang Kongresistang si Bingo Matugas. Pinoste ni Yeng ang message of apology ni Cong. Matugas at pati na ang kopya ng house bill na nagpapaliwanag ng medical facilities condition ng mga bayan sa Siargao.

Sinisigurado ni Cong. Matugas na maibibigay ng Siargao ang panga-ngailangang medical sa lahat ng turista at lokal sa oras nang panga-ngailangan ng mga ito sa mga susunod na mga araw.

Nagpasalamat naman si Yeng sa pagtugon sa kanya ni Cong. Matugas. Humirit pa ang ASAP mainstay ng mas epektibong training sa mga medical personnel para sa mas epektibong serbisyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy