Una sa Balita

Koleksyon ng tuition fee pinasuspinde ng CHED

0 323

UMAPELA ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo na huwag munang maningil ng tuition fee habang umiiral ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sa press briefing na inere sa state-run PTV, nakiusap din si CHED Chairperson Propero De Vera III na gawing staggered basis ang pagbabayad ng tuition fee. “Naglabas ako ng press statement na nakikiusap sa mga private universities kung puwede na wala munang collection ng tuition for this month.

At kung puwede staggered ‘yong payment ng tuition sa mga susunod na buwan para hindi mahirapan ang ating mga estudyante,” saad ni De Vera. Aniya, pumayag na ang University of Perpetual Help System, Immaculate Concepcion Institutions, at ang Philippine Association of Private Schools, Colleges, and Universities sa kanyang panawagan.

“Natutuwa ako dahil agad agad na nag-respond ang University of Perpetual Health System at ‘yong Immaculate Concepcion institutions nagsabi agad na sila’y susunod doon sa ating pakiusap.

At kagabi nakausap ko ang (Philippine Association of Private Schools, Colleges, and Universities), sila daw ay tutulong na hindi mangolekta ng tuition for the one-month quarantine and also staggered the payment for the subsequent months,” dagdag pa niya.

Matatandaang sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasok sa Metro Manila at sa buong Luzon hanggang Abril 12 upang mapigil ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More