Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kolehiyo sa Quezon muling nagliyab

0 224

Tinupok ulit ang tatlong gusali ng pinakamatandang catholic school na Sacred Heart College sa Lucena, Quezon alas-8 ng umaga nitong Huwebes.

Sa inisyal na report ng Lucena City Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog sa nursing department ng eskuwelahan hanggang lamunin na rin ng apoy ang laboratoryo at pharmacy building.

Ang sunog ay tumagal ng higit sa isang oras bago maapula sa kasagsagan rin ng ulan.

Matatandaan na Bagong Taon ng 2019 ay nasunog rin ang admin building at elementary building nang nasabing kolehiyo.

Sa ngayon inaalam pa ng BFP ang pinagsimulan ng sunog at halaga ng mga natupok ng apoy, habang wala namang napaulat na sugatan. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.