Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kolehiyo balik-eskuwela sa Jan 31

0 190

Sisimulan ng higher education institutions (HEIs) ang limited face-to-face class sa mga lugar na nasa ilalim ng alert Level 3 sa January 31, 2022 habang maaari namang magsimula anumang araw ng face-to-face ang mga institusyon na nasa ilalim ng alert Level 2.

Sa kabila nito ay pinapaalalahanan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga HEI na siguraduhing pinaiiral ang health and safety protocols ng mga magbubukas na paaralan para sa limited face-to-face class.

Kailangan ding ipaalam ng mga HEI sa CHED Regional Office kung nakapagsumite ang lahat self-assessment checklist at notarized affidavit of undertaking para sa limited in-person classes.

Sa ilalim ng CHED’s guidelines, mga fully-vaccinated student, teaching at non-teaching personnel lamang ang papayagan na pumasok sa limited face-to-face class na nagsimula noong December 2021 na kung saan nasa 50% ng faculty at college students ang nabakunahan na laban sa COVID-19. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.