Una sa Balita

Kolehiyala tinangkang halayin ng karpintero

By
0 1,245

Arestado ang isang karpintero nang ipakulong ng isang kolehiyala na muntik na nitong halayin sa Valenzuela City, kamakalawa nang ­madaling-araw. 

Nahaharap sa kasong attempted homicide ang suspek na si Melvin Valencia, 38-anyos, karpintero, at naninirahan sa No. 6078 Pabaya Street, Barangay Mapulang Lupa sa Valenzuela City. 

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang ‘Alice’, nakatambay daw siya sa harap ng kanilang tindahan pasado-alas dos nang madaling-araw. 

Abante Hiring – IT dep

Dumating ang suspek at kinukulit ang dalaga sa pamamagitan nang tangkang pag-agaw sa kanyang cellphone, pero hindi ito pinansin ng 3rd year college student. 

Umalis si Valencia, pero makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito na nakatakip ng damit ang mukha. 

Niyakap ng lalaki ang dalaga saka pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan. 

Nagsisigaw ang biktima na narinig naman ng mga kamag-anak nito at sinugod si Valencia, su­balit nagawang makatakbo papatakas.

Dahil matagal na nilang kapitbahay ang suspek at kilala na nila ang kilos nito kaya kaagad na nagtungo ang pamilya ng estudyante sa barangay at ipinaaresto ang suspek na nang mga sandaling iyon ay nasa bahay pa.