Una sa Balita

Koko tahimik sa ulat na sinugod siya sa ospital

0 441

Tumanggi si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na kumpirmahin o itanggi ang balitang isinugod siya sa ospital noong Martes ilang araw matapos siyang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“No comment,” tanging pahayag ni Pimentel sa mga Senate reporter.

Ginawa ng senador ang reaksiyon matapos iulat ng ABS-CBN news website na dinala ito sa isang ospital dahil sa hindi maayos na pakiramdam nito.

Sinabi naman ni PDP-Laban national director Ron Munsayac na maayos naman ang kalagayan ng senador.

“Sen. Koko is quickly on his way to recovery, I’m very optimistic that he’ll beat the virus very soon. In fact, he’s been in communication with a lot of people already,” sabi ni Munsayac sa pinadala niyang mensahe sa mga reporter. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More