Una sa Balita

Koko No. 1 sa PDP-Laban senatorial survey

0 233

NANGUNA si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa party survey ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na kinabibilangan ng 22 senatorial aspirant sa ginanap na leadership assembly ng partido sa Lungsod ng Pasay kamakailan.

Tumanggap si Pimentel, ang national president ng partido, ng 175 boto mula sa kabuuang 184 respondent na binubuo ng national officers ng partido, opis­yales ng pamahalaang nasyonal, mi­yembro ng Kongreso, local government officials at party leaders na kumakatawan sa mga pri­badong sektor.

Pinapili ang mga res­pondent sa talaan ng 24 na lalabang senador mula sa mga opisyal ng PDP-Laban, kaibigan ng partido at ng mga kasalukuyang senador na lalaban para sa reeleksiyon sa Mayo ng susunod na taon. 

Ipinangako naman ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglilingkod bilang chairman ng partido, ang kanyang lubos na suporta dito at minsan pang pinapurihan ang PDP-Laban dulot ng maprinsipyong partido nito at hinikayat pa ang mga kasapi na pangalagaan ang integridad nito.

Inokupahan naman nila Sec. Francis Tolentino (125), Presidential Adviser on political Affairs; Davao City Congressman Karlo Alexei Nograles (116); at Sen. Sonny Angara (112) ang ikaapat hanggang ikaanim na posis­yon. Pampito si dating Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, hepe ngayon ng New Bilibid Prisons, Sen. Cynthia Villar (103) at da­ting senador at kasaluku­yang Taguig representative na si Pia Cayetano (100), Maguindanao Cong. Zajid ‘Dong’ Ma­ngudadatu (95), Presidential spokesman Sec. Harry Roque (87) at incumbent Senators JV Ejercito (85) at Grace Poe (85).