Una sa Balita

Koko nag-sorry sa Makati Med

0 636

Humingi ng paumanhin si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, sa Makati Medical Center dahil sa paglabag nito sa infection control protocol ng ospital noong samahan niya ang kanyang asawang si Kathryna Martes ng gabi.

“The reason why I went to MMC in the evening of March 24, 2020, was to accompany my pregnant wife to the hospital for a scheduled delivery by cesarian section the following morning,” pahayag ni Pimentel sa isang statement.

“I apologize to MMC for being in their hospital in the evening of March 24, 2020 which they deemed to be a breach of their safety/containment protocols,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ng seandor, dumating sila sa MMC bandang alas-6:00-7:00 ng gabi ng Martes pero dakong alas-9 naman ng gabi nang tumawag ang RITM at sinabing nagpositibo siya sa coronovirus.

“I was already inside the hospital when I got the information. I immediately informed the OB-gyne doctor assisting my wife about the result and I then left the hospital premises,” lahad ng senador.

“I was not coughing and I didn’t have a fever the short time I was in the MMC premises and was wearing face mask and gloves,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng pagkondena sa kanya ng pamunuan ng MMC, hiniling nito na alagaan ang kanyang asawa at sanggol na nasa kanyang sinapupunan.

“My wife is still under the care of MMC. I ask that they take care of her and the baby still inside her tummy even when they say that I have breached their protocols,” ani Pimentel.

Wala umano siyang intensiyon na suwayin ang protocol at nandoon siya para lang samahan ang kanyang asawang si Kathryna.

“I never intended to breach any protocol but I realize now that my presence in MMC unnecessarily caused additional anguish and concern to the courageous frontline health workers we all depend on. I was simply there to be with my wife during the birth of our daughter,” ayon sa senador.

Aniya, kusa siyang nagpa-COVID test noong Marso 20 matapos malaman na sumalang din sa pagsusuri ang iba niyang kasamahan matapos magpositibo si Senador Juan Miguel Zubiri.

Binigyang-diin pa ni Pimentel na walang intensiyong manakit ng sinuman at humihingi siya ng pang-unawa sa publiko dahil sa kanyang ginawa. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More