Una sa Balita

Koko kakasuhan sa pagkakalat ng virus

0 686

Isang abogado ang naghahanda ng isasampang kaso laban kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel III kaugnay ng ginawa nitong pagbisita sa Makati Medical Center noong Martes nang gabi kahit itinuring na itong person under investigation at kalaunan ay nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Sa Facebook post ni Atty. Rico Quicho ng Quicho & Angeles Law, binanggit nito na hinahanda na niya ang posibleng paghahain ng kaso laban sa senador na naging bar topnotcher.

Si Quicho ay nakilala nang husto noong maging miyembro ng defense team ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial sa Senado noong 2012.

Napatalsik si Corona kung saan isa si Pimentel sa bumoto ng guilty.

Hinikayat ni Quicho ang mga doktor, nurse at iba pang nagtatrabaho sa MMC na tumestigo laban kay Pimentel.

“We cannot let such ineptitude into positions of power. We will rely on the full force of law — we are looking into criminal, civil, administrative charges. Not only to make him accountable, but also to set an example.” diin ni Quicho sa kanyang post.

“Kaya patuloy tayong magtulungan. Kung meron tayong kakilalang pwedeng maging testigong doctor, nurse o pamilya ng pasyente, sabihan niyo kami. We are coordinating with different medical associations, individuals, and concerned citizens and we encourage MMC to review their CCTV footage and join us in clarifying the facts of the situation and holding those responsible to account. We owe this not only to the other MMC patients exposed, but also to the frontliners who were put at risk,” dagdag pa ng abogado.

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary na kikilos lamang sila kung may isasampang kaso laban kay Pimentel.

“During abnormal times like these, when people are prone to commit mistakes or violations of the law, the DOJ will temper the rigor of the law with human compassion,” ayon sa kalihim.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More