Una sa Balita

Koko ‘di bibigay sa ‘pekeng presidente’ ng PDP-Laban

By
0 748

WALANG balak na makipagsundo si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa paksiyon ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinamumunuan ni Atty. Rodolfo Garcia.

Si Garcia ang kinilalang pangulo ng PDP-Laban sa isang pagtitipon ng mga pinatalsik at mga nagrerebeldeng kasapi ng partido.

“‘Di naman ako kapit-tuko sa position at titulo. Pero bakit ba siya ang kakain sa tinanim, inani, niluto at hinanda namin? Bakit siya? Kung ang kakain ay kasama naming naghirap sa pagpapalaki ng partido ay wala tayong masasabi diyan. ‘Wag naman ‘yung shortcut at jackpot agad. Magbanat din po ng buto,” giit ni Pimentel, na siyang pangulo ng PDP-Laban ngayon. 

“No need for any settlement. No one re­cognizes them except themselves. And maybe some media practitioners,” hirit pa ng senador.

Hindi naman nagtagumpay si Pangulong Rodrigo Duterte, national chairman ng PDP-Laban, na ayusin ang sigalot ng mag­kabilang panig sa ginanap na pulong sa isang hotel sa Maynila noong Huwebes nang gabi.