Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kongreso pinararatsada pagkalkal sa P66B Meralco energy sales

0 177

UMAPELA ang Bayan Muna at Matuwid na Singil sa Kuryente Consumer Alliance (MSK) sa House Energy Committee na bilisan ang imbestigasyon sa P66 bilyong ‘padding’ ng ‘energy sales’ ng Meralco.

Kasabay nito ay hinikayat din ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Commission on Audit (COA) na agarin din ang pagsasagawa ng audit sa Meralco’s energy sales at mga binili mula 2011 hanggang 2019 dahil sa sinasabing may mahalagang pagkakaiba na natuklasan sa deklarasyon ng ‘giant utility’ sa ERC at sa kanilang Annual Reports at Audited Financial Statements.

Nakaraang Agosto ay ibinunyag ng grupo ang pagbili ng Meralco ng 33.585 billion kwh power noong 2019 mula sa kanilang ‘generation sources’ kabilang ang WESM subalit ang iniulat na nabiling power ay 46.871 billion kwh sa kanilang annual report, kung saan ay may pagkakaiba ng 13.03 billion kwh.

“The value of their generation purchases was P179 Billion as disclosed to the ERC and the consumers but declared purchased power cost of P241 Billion in their audited financial statements. The discrepancy in peso value was P66.173 billion for 2019 alone. The effective DSM (distribution, supply, and metering) revenue of Meralco in 2019 was P2.05 per kwh compared to the ERC approved P1.38 per kwh, an apparent over recovery by 49%.” base pa sa natuklasan ng grupo.

Anila, sa pangangasiwa ng MVP group simula May 2010, dumoble ang ‘gross profit’ ng Meralco sa average na P50 bilyon mula 2010 hanggang 2014, habang sa taong 2015 hanggang 2018 ay P60.24 bilyon, at P69.066 bilyon naman noong 2019.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The pattern of Meralco declaring higher energy sales than what they actually purchased started in 2011 when the over-declaration started at 2.419 Billion kwh. It grew over the years reaching 5.6191 Billion kwh in 2014, and now an astounding 13.565 billion kwh in 2019 worth P66.173 Billion.” Paliwanag pa ng grupo.

Dahil dito, binigyang diin ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares na nilabag ng kumpanya ang ‘regulatory rule’ na ipinapasa ng power generation ang bayarin sa kanilang mga konsyumer.

“This means Meralco should only be declaring as sales the actual kwh and value they purchased and that the Congress Energy Committe should follow through with its initial investigation,” giit ni Colmenares.

Ayon sa MSK, ang lahat ng nakalap na data ay mula sa ‘monthly filing’ ng ‘generation cost’ ng Meralco sa ERC mula 2008 hanggang 2019, at sa kanilang Annual Reports and Audited Financial Statements sa parehong mga taon.

“We hope that the ERC can also be requested to validate Meralco’s declared purchases and costs of generation and the energy sales to each of the customer class. How can Meralco sell more than it purchased?” taonong ni MSK convenor David Celestra Tan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.