Una sa Balita

Kocygit, Kuthaisong taya-buhay vs PLDT

0 227

BAWAL nang kumurap ang Generika-Ayala at PLDT Fibr pagharap nila sa sudden-death battle sa quarterfinals ng Phi­lippine Superliga Grand Prix sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Muling kakapitan ni Lifesavers head coach Sherwin Meneses sina imports Kseniya Kocyigit at Kanjana Kuthaisong para makaulit sila ng panalo at tuluyan nang sumampa sa semifinals.

Subalit para kay Mene­ses, walang kasiguruhan na makukuha nila ang panalo lalo na’t may malulupit silang players at coach sa katauhan ni Roger Gorayeb.

“This is a golden opportunity for us to make it back to the semis. We will definitely not waste it,” saad ni Meneses, “I told the girls to just maintain what they are doing. If they can double the effort they showed in Game 1, that would be great.”

Bukod sa imports, huhugot din ng puwersa si Meneses kina local hitters Fiola Ceballos, Angeli Araneta, Ria Meneses at Patty Orendain para makaulit ng panalo. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy