Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kobe tumalon sa Altiri Chiba

0 63

MANANATILI sa Japan B.League si dating University of the Philippines at Gilas Pilipinas high-flying forward Kobe Lorenzo Paras, pero talon na siya sa Altiri Chiba sa second division ng liga sa darating na 2022-2023 season matapos magpaalam sa dating koponan na Niigata Albirex.

Nagpasalamat ang 24-anyos na multi-titled international member ng Gilas squad sa ibinigay na opurtunidad ng Alltiri Chiba at nakuhang karanasan sa dating koponan na Division 1 Albirex na kanyang sinalihan noong Setyembre 2021 bilang parte ng Asian Player Quota.

“I’m excited to go back and be a part of the team. I can’t wait to meet my teammates and see all the Altiri Chiba fans in the games this upcoming season,” saad ni Paras.

Inanunsiyo na rin ng Altiri Chiba sa kanilang social media account ang pagbati at pagtanggap sa mga bagong manlalaro, kabilang ang dating anak ng nag-iisang Rookie-MVP ng liga na si “Tower of Power” Benjie Paras.

Hindi na pinahaba ng Niigata Albirex ang kontrata ni Paras nitong nagdaang buwan matapos itong mag-expire sa kanilang anunsiyo noong Mayo 27. Sumabak ang 6-foot-6 forward sa 49 laro sa Niigata, kung saan bumanat ito ng 8.2 puntos kada laro, 2.1 rebounds at 1.2 assists, habang tumapos sa 7-45 panalo-talo ang Niigata sa first division sa kanyang nag-iisang season sa naturang koponan.

“We are pleased to inform you that Kobe Paras will be leaving the Niigata Albirex BB season with the B. League 2021-22 season. In addition, we will inform you that the transfer to Altiri Chiba has been decided for the 2022-23 season,” ayon sa inilabas na statement.

“[Notice of contract conclusion (new)] we are pleased to inform you that we have signed a contract (new)with Altira Chiba players in the B.League 2022-23 season,” ayon sa tweeter account ng Altira Chiba. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.