Una sa Balita

Kobe, Ricci sobrang gigil nang magpasiklab sa UP

By
0 709

MATAPOS ang historic finals appearance ng University of the Philippines (UP) sa Season 81 ng UAAP men’s basketball, markado na ang Fighting Maroons sa pagpasok ng dalawa nitong bagong recruit.

Sa season 82 ng liga, masasaksihan ng collegiate basketball fans ang dalawang bagong mukha ng Fighting Maroons na sina Kobe Paras at Ricci Rivero.

Halos lahat ay excited sa pagpasok nila sa UP pero imbes na pagtuunan ito ng pansin ay mas magfo-focus aniya sila kung paano makakatulong sa tropa.

“I’ve been in the limelight since I was a kid. It’s just a part of my life. It’s not really pressure to me because I use it as a motivation. If you put it as pressure, then it’s your fault. It’s all in the mind,” wika ni Paras.

Para naman sa transferee na si Rivero, ayaw aniya nilang isipin na malakas sila, kahit noong nasa La Salle pa siya ay ganito na ang kanyang mindset.

“Eversince I was with La Salle pa, ang sinasabi lang ng seniors namin is huwag isipin na kami ang team to beat but rather, we all worked for this. Kaya sana magawa namin nang tama ‘yung mga pinractice namin,” ani Rivero.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy