Una sa Balita

Kobe, Ricci kailangang magpabida sa UP

0 561

NANANATILING championship contender ang University of the Philippines (UP) sa susunod na season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Ito ay dahil sa nakatakdang pagsalang na ng mga prized recruit na sina Kobe Paras at Ricci Rivero sa 82nd UAAP men’s basketball tournament ngayong taon.

Ayon kay UP head coach Bo Perasol, expected na niyang pamumunuan ng dalawa ang opensa ng Maroons subalit hindi lamang umano ito ang kailangan ng koponan. Kailangan din daw ng leadership ng dalawang scorer.

“They also have to earn the respect first of their teammates. Kasi bago nga sila,” kuwento ni Perasol.

Kinapos ang Maroons sa best-of-three title ­series laban sa eventual back-to-back champions Ateneo Blue Eagles sa unang pagsalang sa Finals matapos ang 32 taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy