Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kobe Paras wasak, mabigat ang pinagdadaanan

0 140

Sa magkapatid na Kobe at Andre Paras, tila mas kapansin-pansin na si Kobe ang mas emosyonal sa kanilang dalawa.

At mukhang may pinagdadaanan din ito na somehow ay ino-open din naman niya sa kanyang Instagram account.

Katulad na lang sa recent post niya na tila nando’n siya ‘of finding his own peace’. Sey niya, “Just trying to find my peace between all these broken pieces.”

Mabilis naman sumagot ang kapatid ni Kobe na si Andre sa post niya at binigyan ito ng assurance na, “I love and miss you man.”

Gayundin ang mommy nila na si Jackie Forster. Sey niya sa anak, “Your not broken, those pieces go back together in time and it forms into a different puzzle. Meanwhile keep that peace baba! Find joy in the simplest things. Mama loves you.”

Pero ang naging reply ni Kobe sa kanyang ina, “I’m trying mama. I love you too.”

Siguro, may factor rin sa pinagdadaanan ni Kobe ang magda-dalawang taon ng pandemic at unlike before, ngayon ay magkakahiwalay silang pamilya dahil si Jackie and her family ay sa Singapore muli naka-base.

Iba rin kasi ‘yung physically, magkakasama o madaling mapuntahan ang isa’t isa.

Kris binawalang magpakita ng cleavage sa kasal

Ngayong buwan na ng September ang talagang wedding date ni Kris Bernal sa kanyang fiancée na si Perry Choi.

Na-moved na nga ito pero base sa caption ni Kris sa kanyang latest vlog. Mukhang may chance na mabago pa rin daw depende sa magiging quarantine classification ng IATF. Ayon kay Kris, “The wedding preps will continue mapa-anong lockdown pa! Few more days before the wedding!! Are you excited? Though the wedding date is heavily dependent on the COVID-19 restriction announcement of IATF tomorrow! Again, there’s a possibility of moving it again. I’m hoping and praying na mag-open ang church as it’s really a dream of mine to walk down the aisle!”

Pero sini-share nga ni Kris sa kanyang vlog ang mga ginagawa nilang wedding preparation ng kanyang future husband. Pati ang pakikipag-usap nila sa simbahan kunsaan sila ikakasal.

Nagulat ito nang malaman na bawal sa bride na kitang-kita ang cleavage. Kaya sinigurado ni Kris na hanggang saan lang daw pwedeng medyo revealing ang front ng gown niya at the same time, hanggang saan lang din pwede yung backless gown.

Sey niya, “Naku, kailangan ko pa palang kausapin ‘yung (designer)… sige po, I’ll take note po.”

At parang humihirit pa ito at nagtanong kung may nangyari na raw na dumating sa simbahan ang bride na very revealing talaga ang gown.

Sinagot naman ang tanong ni Kris, tuloy pa rin daw ang kasal, pero ang makakagalitan daw after ay silang mga in-charge.

Sa Magallanes Church ang wedding. Si Kris daw mismo ang pumili ng church dahil bet nito ang wide door ng church, ambience at lighting.”

At sabi ni Kris, “Ako talaga, dream wedding ko talaga sa lahat ng napapanood ko sa movies, kahit sa mga seryeng ginagawa ko, gusto ko ‘yung opening ng door at doon lalabas si bride, gusto ko talaga ‘yun.”

Sa ending ng video habang tsine-check nito ang magiging invitation nila, umiral ang pagtitipid ni Kris. Hirit niya, “Pwedeng ‘yung mura lang? Nagpapatayo kasi kami ng bahay, e. Every peso counts.”

Bunso nina Marian, Dong kumikita na

May endorsement na rin talaga ang bunsong anak ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na si Sixto.

Hindi na lang nga si Zia ang may mga endorsement at kahit na nasa bahay lang silang apat, very productive at very visible talaga dahil sa mga endorsements nila.

At siyempre, napupuno ng heart emojis ang Instagram comment ni Marian dahil sa post niya ng mga pictures ni Sixto sa ginawa nitong shoot.

At halos pare-pareho ang mga comments, “Napakaguwapong bata,” “Handsome endorser,” “Grabe talaga ang genes!”

Iba rin ang Dantes Squad visible at “kumikitang kabuhayan” talaga kahit na nasa bahay lang sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.