Una sa Balita

Kobe Paras mukha ng PH 3×3 program

By
0 539

NANGANGARAP ang lahat ng sports sa Pilipinas na makalaro sa ­Olympics.

Kaya naman isa sa misyon ni Ro­nald Mascariñas, presidente at gene­ral manager ng Bounty Agro Ventures, Inc. ay makarating ang Chooks-to-Go 3×3 basketball Philippine team sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa naganap na press conference kahapon sa Bar One, Crowne Plaza sa Pasig City, inamin ni Mascariñas na sa dami nang magagaling sa 3×3 ay malaki ang tsansa natin na makalaro sa 2020 Olympics.

Nakipagtulungan ang Chooks-to-Go sa Samahang Basketbol ng Pilipinas upang maisakatuparan ang planong bumuo ng 3×3 national team.

“Pangarap namin sa Chooks-to-Go na makarating sa Olympics,” saad ni Mascariñas. “We see great potential in making it to the 2020 Olympics. We’re ranked 43rd but to rise to the top eight is still possible. We will find the best talent for our 3×3 basketball team.”

Binunyag din ni Mascariñas na si Kobe Paras ang magiging mukha sa kanilang progma.

“Ever since we started two years ago with our partnership with the SBP, 3×3 basketball has been very close to our hearts. Dito kasi tayo lahat nagsimula. This is the foundation of basketball in the Philippines,” dagdag ni Mascariñas.

Ayon pa kay Mascariñas, plano nilang maglunsad ng maraming qualifying tournament hindi lang sa Maynila upang mapaganda ang world ranking ng Pilipinas.