Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

8 sunod pinakawalan: Kobe nagpaulan ng tres

0 98

UMULAN ng tres!

Parang signal number 3 na bagyo ang ipinamalas na paulang tres ni former UP Fighting Maroons star Kobe Paras nang maispatan itong nagsalpak ng waling sunod na tres habang nagpapakondisyon.

Sa Instagram post ng social media page ng fitness center na Ignition APG ay makikitang walang mintis sa three-point line ang 23-anyos na basketbolista na anak ng natatanging Rookie/MVP sa Philippine Basketball Association na si Benjie Paras.

SM food to go Banner Ad

Bukod kay Kobe, makikita din sa nasabing training si dating FEU Tamaraw Cholo Anonuevo.

Magandang pagsasanay naman ito para kay Paras, na kamakailan lang ay pumirma sa international basketball agent na East West Private o EWP.

Magugunitang si Kobe ang isa sa bagong Pinoy cager na sumanib sa nasabing ahensiya kagaya nina Kai Sotto at Sage Tolentino. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.