Una sa Balita

Kobe burger sa resto ni Shaq

0 248

BULAKLAK? Meron na ‘yan.

Dasal? Tapos na ‘yan.

Iyak? Ubos na sa pag-agos.

Kaya panibagong alay na naman ang hatid ni National Basketball ­Association (NBA) Hall of ­Famer Shaquille O’Neal sa kanyang yumaong kaibigang si NBA great Kobe Bryant.

Burger!

Ito naman ngayon ang bagong peg at naging daan ni former Los ­Angeles ­Lakers star Shaq para sa kanyang bro na si Black Mamba nang ilagay sa kanyang menu ang ‘Kobe Bur­ger’ sa bagong tayo niyang restaurant na Shaquille’s.

Ang nasabing resto ay matatagpuan sa Los Angeles na katabi lang ng Staples Center (Los Angeles Lakers home court) at mayroong mala-higanteng pintuan na ang size ay sinlaki ni ­Shaquille.

May kakaibang pakulo pa ang ‘Kobe Burger’ dahil may kasama itong 5 onion rings, at 81 fries bilang paggunita sa 81 points na ginawa ni Kobe noong 2016 laban sa Toronto Raptors sa isang NBA game.

Ang presyo ay mala-Kobe rin dahil nagkakahalaga lang ng $8.24, paalala sa mga numero ng ­jersey ni Kobe na 8 at 24. (Aivan ­Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More