Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kobe balik Amerika

0 65

NAGBALIK sa Amerika si Kobe Paras para ituloy ang kanyang pangarap makakalaro sa Tate at siya ay pumirma din sa sports management firm East West Private.

Nagpaalam na siya sa University of the Philippines para sa kanyang huling taon sa UAAP, may mga nalungkot at mayroon ding natuwa, isa na ang inyong lingkod dahil naniniwala ako na isa siya sa magbibigay sa ating mga Filipino ng karangalan na makilala sa basketball sa ibang bansa at sa pinakamataas na liga sa buong mundo.

Sa taas at kilos ni Kobe ay makikita natin na pwede siya talaga at bagay siya sa mundo ng basketball sa ibang bansa kung saan ay malalaki na ang kalaban at mahuhusay na sobra.

Nasa lahi naman talaga ng Paras ang basketball at gaya ng kanyang ama na si Benjie na tanging Rookie/MVP sa PBA at kanyng kapatid na si Andre na nasa PBA na rin.

Kaya good luck sa iyo Kobe at kay Kai Sotto na rin.

Nandito kaming mga Filipino na nagdadasal para maabot n’yo ang inyong pangarap.

***
Nagpapasalamat kami sa mga dean ng AMA sa patuloy na paggabay sa aming mga manlalaro na sina Dra. Ana Miguel, Dra. Loiue Lolong Lacatan, Ma’am Hazel Grace Aguilar at Ma’am Ruth Paner ng AMA Senior High School.

Ang 3-on-3 Elite Grassroot Level Philippines ay may FB page at nagpapasalamat sa mga sumusuporta gaya ng The Leaf- Antipolo, Food Alert Philippines, Jackpot Online Shop at Goodness Organic Meat Shop.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.