Una sa Balita

Kobe ayaw mag-astang bata kapag nalampasan ni LeBron

0 376

MALAPIT nang malampasan ni LeBron James si Kobe Bryant sa No. 3 scoring spot ng NBA all-time.

Walang problema dito si Kobe.

Katunayan, masaya siya para kay LeBron kapag nangyari na ito. Wala siyang balak magmaktol na parang bata.

“I don’t know if people want that or want to have this kind of contentious thing where you don’t want records to be broken or people there to surpass you,” sey ni Bryant.

“You should be happy for the person that comes after you to be able to surpass things that you’ve done. It’s kind of juvenile to think or to behave any other way.”

Mabilisang nagsalansan ng 19 points si James bago tumapos ng 21 sa 100-92 panalo ng Los Angeles Lakers kontra New York Knicks Miyerkoles ng gabi.

Tahimik ang second half ni LeBron pero nakaipon na ng 33,599 points, 44 sa likod ni Kobe.

Puwede niyang lagpasan ang dating­ Lakers star sa Sabado sa Philadelphia – lugar ng kapanganakan ng five-time NBA champion na si Bryant.

May isang laro pa ang Los Angeles sa Brooklyn ngayong araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More